Paglanta't Paggiliw
Hardin ng mga maiikling kwento't mga sanaysay ng pagmamahal
ISINULAT NI CAELA
"Mabigat, oo, pero ngayon, hindi lamang ako ang may bagahe."
bagahe
Alas sais na ng umaga. Umalingawngaw ang patong-patong na tunog ng mga busina habang ang rosaryong nakasabit sa salamin ay idinuyan ng matagtag na daan sa Vito Cruz. Halos maisaulo ko na ang samu’t saring ingay sa Taft. Una, kapag nakaraos sa masikip na intersection ng Buendia-Taft Avenue, mula sa likod ng mamasa-masang bintana, tila maririnig na ng aking mga mata ang masisiglang “kasya pa!” ng mga barter. Matapos nito, matatanaw ko naman si kuya guard, hawak-hawak ang karatula na berde at pula, na nagpapatawid sa mga estudyante. Gaya ng dati, nasa likod ako ng sasakyan, nagmamasid. Ngunit, sa halip na tote bag ang dala, maleta ang bitbit ko.Sa araw na iyon, mas malakas nang bahagya ang buga ng aircon. Sa pagdampi ng malamig nitong hangin sa aking balat, naramdaman ko ang tila nagiginaw nitong buntong-hininga. Alam kong hindi lamang ang sasakyan ang nabibigatan sa sarili nitong bagahe.“Narito na tayo, anak.”Biglang tumahimik. Pinatay ni Papa ang radyong tunog-istatiko kasabay ng paglagitik ng makina. Dahan-dahan naming ibinaba ang aking mga gamit sa isang sulok ng paradahan, kung saan walang bahid ng araw ang tumatagos. Bitbit-bitbit ang mga kahon at bags, nilakad namin ni Papa mula sa paradahan hanggang entrance upang mailapag sa benches at sa sahig ng lobby. Hindi pa kami nakakatatlong balik at bakas na sa aming mukha ang pagod at lagkit dulot ng pagmamadali. Sinulyapan ko ang relo sa aking braso, ang dating isang oras na palugit bago magsimula ang aking klase ay naging labinlimang minuto na lamang. Higit pa sa nabubuong kirot sa braso, naging kalaban na rin namin ang oras. Wala ng panahon. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa, hinablot na lamang namin kung ano ang makita. Printer, microwave, rice cooker, ecobags, at galon ng tubig. Dali-dalian namin itong ikinarga at ibinaba. Tila ang aming mga kamay at paa na lamang ang nag-uusap nang walang niisang laway ang naaksaya. ‘Di kalauna’y, nang maubos na ang bagahe’t nailapag na sa lobby, niyakap na ako ni Papa at namaalam. Sa ilang sandali, kumaripas na muli ang takbo ng sasakyan ni Papa, pabalik sa ospital kung saan nanggaling ang lahat ng masasamang balita.Isang linggo bago ako lumipat sa condominium, sa loob ng mga mapuputlang pader ng isang silid ng ospital, ang mga kurtina sa bintana ay bahagyang nakatabing. Pinapapasok nito ang malamyos na liwanag ng umaga na dumadampi sa mga mukhang pagod at mga mata ng mga nagbabantay sa babaeng nakahimlay sa kama; ang dating naghahatid-sundo sa akin; ang dahilan bakit ako lumuwas — si Tita.Kung tutuusin, kapatid ni Tita si Lolo. Siya ang tunay na Tita ni Mama. Ipinanganak noong Nobyembre 19, magkaparehas ng kaarawan si Tita at ng aking bunsong kapatid. Parehong scorpio kaya silang dalawa na rin ang itinutukso namin bilang pinakamaalalahanin ngunit maldita sa aming pamilya. Ako naman ay ipinanganak ng Oktubre 8, petsa ng kapanganakan ng Nanay ni Tita. Kung kaya’t kadalasan ay kami ni Tita ang laging nagkakasundo marahil mula sa tangkad, ugali, at kaarawan ay parehas daw kami ng kanyang Nanay. Maliban na lamang umano sa tangos ng ilong na lagi niyang pang-asar.Isang araw, noong ako’y nasa elementarya, dumalo si Tita bilang guardian sa aking recognition habang nasa Kuala Lumpur naman si Mama’t Papa para sa isang conference. Matapos ang seremonya, kinausap ko ang aking mga kaibigan. Itinanong nila sa akin kung Nanay ko ba ang kasama ko sa entablado. Napailing ako. Hindi ko inakala na sa sagot kong ito ay malulunod ako sa walang-tigil nilang katanungan tungkol kay Tita. Ngunit, sa rapidong mga komento sa kung bakit ko siya tinatawag na Tita, isa lamang sa kanilang mga sinabi ang tumatak sa aking isipan — hindi ko raw siya Tita.Bago ang insidenteng iyon, hindi ko kinwestiyon kung bakit Tita ang tawag ko sa kanya. “Ayun kasi tawag ni Mama sa kanya kaya ginaya ko lang,” depensa ko nang tanungin nila kung bakit hindi ko alam na Lola ko pala siya. Sa aking musmos na isipan, nakakahiya na hindi ko alam. Ibinaon ko ang aking sarili sa pangamba na hindi ko pa pala siya kilala nang lubusan. Higit pa sa pagluto niya sa amin ng paborito naming ispageti tuwing Pasko, paggising niya sa aking tuwing magsisimba, pagdala niya sa akin sa kanyang opisina upang ipagmayabang, at pagsama ko sa kanyang monthly check-ups, hindi ko sinikap na kilalanin pa ang nag-alaga sa akin. Kung kaya’t kinabukasan, sinubukan ko siyang tawagin na Lola.“Anong Lola? Hindi na nga ako nag-asawa para ‘di matawag na Lola.” gulat niyang sagot noong unang beses ko siyang tawagin na Lola. Si Tita, mula pa lamang sa aming tawagan sa kanya na “Tita”, ay isang taong punong-puno ng buhay. Ibang-iba sa nakita kong pasyenteng nakalugmok sa isang silid. May payapang mukha ngunit may panghihina sa bawat paghinga. Kailanman, hindi maisasantabi ng aking isipan ang IV at ang mga tubo sa kanyang tagiliran. Ang mahinang tunog ng ECG, isang monotono na paalala na ang oras ay tuloy-tuloy, hindi tumitigil, hindi humihinto para sa akin at kay Tita.Ang dating nagtitirintas ng aking buhok bago ako pumasok sa eskwelehan, ngayon ay may buhok naman na mas manipis at naglalagas. Ang kanyang balat, na dati niyang ipinagmamayabang dahil sa kanyang rejuvenating set, ay maputla na’t walang kulay. May bahagyang dilaw na tintang sumisilip na rin sa kanyang balat na sumasalamin ng pakikibaka ng kanyang atay laban sa sakit. Ang mga madidilim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata ay bumubulong ng mga gabing walang tulog — puno ng sakit, habang ang kanyang mga labi na dati’y nilalagyan niya ng kanyang pink na lipstick ay tuyo at bitak-bitak na. Alalang-alala ko pa rin ito bilang pinakamasakit na pagbisita ko sa ospital.“Malapit na ba si Tita?” malungkot na tanong ko kay Mama nang nakalabas na ako sa silid ni Tita. “Cancer lang ‘yan. Malakas naman si Tita kay Lord,” sabi ni Mama bago ako umalis ng ospital. Tila nalimutan niya ata idagdag na Stage 3 Cancer na si Tita.Alas nuwebe na ng umaga. Ilang oras matapos maglaho sa aking paningin ang sasakyan ni Papa, walang tigil pa rin ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo, hulas na ang kolorete sa aking mukha, at kumakalam na ang aking tiyan. Iyan ang sitwasyon ko sa P1, isang madilim na lugar na binalot ng malagkit na at mainit na hangin mula sa pagbuga ng mga condenser unit. Karga-karga ko pa rin ang hindi maubos-ubos kong mga bagahe.“Bwiset. Maleleyt talaga ako nito.” sabi ko sabay lunok sa gumagapang na posibilidad ng pagiging huli sa klase — ang unang pagkalate ko sa face to face classes ngayong taon. Ibinaling ko ang tingin sa orasan sa dingding.9:05 AM“Ayan na nga.” Nahuli na ako ng limang minuto sa klase at wala pa akong ni-isang kahon na naaakyat sa unit. Pabalik-balik ako mula P1 hanggang sa ika-23 na palapag at hindi ito titigil hangga’t isa-isa kong malapag ang mga gamit sa unit. Hindi nakatakas ang aking mga kamay sa mabibigat na mga kahon at supot. Pamilyado na rin ang guwardiya sa aking mukha. Sa dinami-raming beses kong balik-pasok, ‘di kalauna’y hinayaan na lamang akong papasukin. Wala nang pag-tap ng pass card at wala na rin pagtanong ng aking pangalan. Unang araw ko pa lamang sa condominium at kabisado ko na ang bawat lusutan at tagusan ng gusali. Higit pa rito, nagsawa na rin ako sa mga dilaw na palasong nasa itaas ng elevator na kay tagal umilaw.Sa pangatlo at huling pagkakataon ng pag-akyat mula P1 hanggang sa ika-23 na palapag, ang bigat na namuo sa aking mga braso ay paunti-unti na ring sinisipsip ng aking puso. Lumuwas man ako, hindi ko naman maiiwanan ang lahat ng mga problemang bumabagabag sa isipan. Sino rin mag-aakala na sa sitwasyong iyon, alam na rin ng Diyos na hindi lamang ako ang naghihintay na makaakyat.Simula pa lamang, bago pa ako makahanap ng condo, tutol na ang aking mga magulang sa ideya na maninirahan ako sa isang lugar na halos 22 kilometro ang layo mula sa amin — sa Bacoor, Cavite. Maski pagbili sa mga sari-sari stores, mga galang umaabot ng gabi, at pag-enroll sa mga pinapangarap kong unibersidad katulad na lamang ng Unibersidad ng Pilipinas, sila ay naghihigpit. Parang ibong nakapiit sa isang hawla; hindi nakakalipad at hindi nakikihalubilo sa iba. At sa tuwing babanggitin ko naman ang kanilang paghihigpit, nauuwi pa ito sa away at sa iyakan.Alala ko noon, ilang buwan bago magsimula ang aking unang taon bilang Grade 11 sa isang prestihiyosong paaralan sa Maynila, iginiit ko kay Tita na gusto kong mag-condo. “Para ito sa safety mo.” malungkot na sabi ni Tita, matapos naming magtalo ni Mama. Maubos man ang aking laway at luha, wala pa ring makapagbabago sa isip ni Mama. At si Tita, bilang peacemaker sa amin, ay sinubukan na intindihin kaming pareho ni Mama. Sa araw na iyon, tanda ko ang pagdampi ng mabigat na hangin sa aking mga luha, ang halimuyak ng aking pabango, at ang ingay ng mga tahol ng mga aso sa pagbukas ng makina ng kotse. Paalis na sana kami upang ipagdiwang ang graduation ko, subalit ako’y naiwan sa bahay; sinamahan pa ni Tita.Alas nuwebe y medya na ng umaga. Matapos bitawan ang supot at maleta sa 15 square meters na silid, para bang naglaho ang puting sahig sa ilalim ng sangkatutak na mga supot na nagkalat. Hindi ko na ito pinansin. Dali-dalian akong lumisan para makahabol sa susunod na klase bago pa ako mabaon sa hindi matigil-tigil na pag-aalala, hangga’t lunurin ako ng paghihinayang.“Bakit ka na-leyt?” Tanong sa akin ng katabi ko sa klase. “Nahirapan ako maglipat ng gamit.” Tugon ko habang naghahabol ng hininga’t basang-basang sa pawis. Kung tutuusin, hindi ko alam ano ang sasabihin lalo na’t saan magsisimula. Sa takot na malaman ang bigat na dinala at dala-dala ko pa rin noon, pinigilan ko ang napupunong luha na alam kong handa nang dumulas sa aking pisngi. Hinayaan ko ang aking mapamurang bibig ang magtago ng kalungkutan. Inilabas ko rin ang sakit sa mga saglitan kong pangungutya sa sarili na patuloy na gumagawa ng isang komedya sa aking buhay.Biglang nag-iba ang kulay ang iskrin, sabay lipat sa panibagong powerpoint slide. Ibinaling ko ang tingin sa grupong nakatayo na sa harap bago pa ako pumasok sa silid. Mga pamilyar na pigura ang nagsasalita, ang dahilan: sila’y mga kagrupo sa Practical Research 4. Ang isa, binibigkas ang mga linyang ginawa ko sa aking iskrip. Nahahalata pa ang patigil tigil nito pagsasalita’t pag-impromptu. Ang bigat na akala ko ay dala-dala ko lamang ay naipasa ko na pala sa iba.Kailanman, hindi ko naranasan maging leyt kapag si Tita ang maghahatid sa akin. Kung tutuusin, kung narinig ko lamang ang kanyang boses na ginigising ako ng alas kwatro ng umaga o ang masarap na amoy ng sinangag na hinahanda niya sa akin bilang almusal, sana ay mas napaaga pa ako ng dating noong araw na iyon. Ngunit, sa kabila ng aming munting routine, ang pinaka-namimiss ko pa rin sa lahat — ang dala-dala niyang pagkain sa tuwing susunduin niya ako.Miyerkules, Marso 20 ng 3:46 PMtapos na meee
*Tita: Ok wait ka, on our way na
Tita: Wag ka na bili fud. May potato corner at lemonade
Yay! OkayySimula noong ma-ospital si Tita, ang mga ka-opisina naman ni Tita ang patuloy na nagbibigay sa kay Tita at sa amin ng pagkain at pasalubong. Mas naging malapit na rin ako sa kanila na ubod ng pagmamahal sa kanya. Bata pa lamang ako, matunog na sa aking tainga ang pangalan ng iisang kompanya pinagtatrabahuhan ni Tita. Sa tuwing dadalhin ako ni Tita sa osipina, bukambibig pa nila na paulit-ulit nilang pagtitimpla sa akin ng gatas noon. Kinekwento rin nila ang hilig ko sa pagkendeng noon sa tuwing maglalakad. Hindi nakakagulat ang chemistry sa loob ng opisina. Sa katunayan, dahil maliit ang kompanya, tila naging parang pamilya na rin sila. Kung minsan pa nga, pagsapit ng Biyernes, pagkatapos akong sunduin, isasama ako ni Tita sa gala kasama ang kanyang mga katrabaho. Hindi man ipinaalam sa amin ni Tita kung ano ang posisyon niya sa kompanya, naramdaman ko naman ang mataas na pagrespeto ng kanyang mga katrabaho sa tuwing tatawagin nila siyang “Ma’am,” na may halong paggalang at paghanga. Kwento nila, si Tita ay kilala sa trabaho na mayroong mausisang pag-iisip kaya’t hindi na rin sila nagtaka nang ikinumbinsi niya kay Mama at Papa na ipa-condo ako. Sabi ni Tita, ayun na lamang ang maibibigay niyang regalo bago ako mag-graduate. Marahil, kahit na sinasabi niya na dapat siya ang kasama ko sa entablado dahil siya ang aking tagahatid-sundo, alam niya at alam ko rin na hindi siya aabot.Isang linggo na akong nasa condo. Ngunit bago pa man lumisan, siningit ko ang aking huling tingin sa unit. Ang puting silid na dating walang laman, ngayon ay puno ng gamit. Ang mga supot na dating kalat-kalat ay nakatabi na sa isang aparador. Kitang-kita na rin ang puting sahig. At ang nanatiling dala ko na lamang ay ang aking maleta. Isinarado ko na ang pintuan at lumabas. Sunod ay hinintay kong umilaw ang palaso ng elevator na nakaturo sa baba. Sumalubong ang init na mula sa yakap ni Mama at ng mga katrabaho ni Tita na mag-oovernight sa lamay niya. At sa huli, inilagay nila ang aking maleta sa likod ng sasakyan. Mabigat, oo, pero ngayon, hindi lamang ako ang may bagahe.
"Ngunit salamat sa kanya, natuto akong sumugal."
Pag-ibig sent you a message
Ding-ding-ding.
Trio Study Buddies sent you a message.Lumiwanag ang iskrin. Mata sa bughaw at kulay-abo na mga kahong sabik na sabik na nagsasalitan ng kanilang mga salita’t kwento. Inayos ko ang upo ko’t binaba ang dating naka-dekuwatrong mga binti. Panay naman ang kamay ko sa paggulong sa rubber na nasa mouse.See 46 new messages.
Click.
Scroll.Parang naglalaro ng habu-habulan ang groupchat namin. Ang profile picture ng chat na binabasa ko’y biglang nag-iiba. Nagbabago nang nagbabago. Natatabunan. Hindi na masubaybayan. Tila ang bawat mensahe ay may sariling takbo, bawat notification ay nagsasabi ng mga pangungusap na tila nagtatagisan sa bilis. Ngunit, sa kabila ng walang-tigil na pagkwento ng aking mga kaibigan, sa gitna ng patong-patong na notifications dulot ng patong-patong nilang mensahe, sa loob ng dalawang taon na pagkakabuo ng grupo, unti-unti ko ring namalayan noon ang iisang bagay: nagsimula nang manabik ang pintig; inaabangan na lagi’t lagi ang “is typing…” habang nakapako naman na ang aking tingin sa baby profile picture ng iisa sa amin — kay Noah.Kung ilalarawan ko ang pagkakaibigan namin ni Noah, para kaming yin at yang—siya ang bahala sa lohika, habang ako naman ang emosyonal. Nonchalant at OA. Kilala siya bilang isa sa mga Math Wizards ng batch namin, habang kilala naman ako sa madalas niyang tinuturuan. Siya rin ang laging isinasalang sa Mathematical Olympiads, at walang mintis sa pagkuha ng medalya. Sa kanyang malaking salamin na nakakapagsingkit pa lalo ng maliit niyang mata at sa kanyang mahiyain na pagkatao, madalas siyang tawagin na nerd. Masayahin at palangiti ngunit magsasalita lang siya kapag kinukulit mo, at sa kabutihang palad, bilang isang ate na madalas mang-asar ng bunso, isa akong eksperto sa pangungulit."Tara, pair tayo!" Naalala ko ang masayang sambit ni Noah noong Grade 7 kami, habang nakaupo kami sa open canteen noong tanghalian namin. “Tayo na naman? Sawa na kaya ako sa’yo,” sagot ko sa kanya kahit alam ko sa isip ko na papayag din naman ako. Sa utak ko, aminado akong matalino si Noah kaya hindi ko magagawang tumanggi. “May iba ka pa bang ka-pair na lalaki kundi ako?” patawa niyang sabi dahil alam niyang wala naman akong masyadong kaibigan na lalaki.Noon ay isa sa mga tipikal na hapon, ang hangin ay banayad na sumisipol sa paligid, at ang mga ibon ay nag-aawitan sa itaas. Kailangan naming magsagot ng worksheets para sa takdang-aralin sa Math, at nang marinig ko ang alok sa akin ni Noah, ang kilalang halimaw sa Math, hindi ko mapigilang mapangiti. Si Noah, kahit hindi ako biniyayaan sa sipnayan, alam niyang masipag naman ako at handang mag-aral nang mabuti. Kilala na namin ang estilo namin sa pagtatrabaho marahil siya ang Public Relations Officer sa klase habang ako naman ang Class President. Kaya’t hindi naging problema ang kausapin ko si Noah.Habang magkatabi kami, naalala ko ang bawat detalye ng kanyang mukha—ang kanyang tabanging salamin, ang nunal sa kanan ng kanyang mata, at ang balat niya sa kanyang pisngi. Sa bawat pagkakataong magkasama kami, ramdam ko ang kakaibang koneksyon na bumabalot sa amin. Hindi ko noon naisip si Noah bilang potensyal na romantikong interes. Para sa akin, isa siya sa mga matatalik kong kaibigan, ang laging nandiyan para sa akin. Sinong mag-aakala na balang araw ay mag-iiba rin pala ang aking damdamin?Ding-ding-ding.
Trio Study Buddies sent you a message.Bumaling muli ang tingin ko sa iskrin. Sa gitna ng magulong tunog ng patong-patong na notifications dulot ng patong-patong na mensahe, nagkaroon ng saglit na katahimikan. Doon ko napansin ang huling mensahe: “Group study call mamaya, 7pm.”Trio Study Buddies ang pangalan ng groupchat para sa tatlong matatalik na magkakaibigan na babad sa pag-aaral. Nabuo kami noong Grade 8, sa loob ng isang maingay na silid-aralan kung saan nag-aabala ang mga estudyante’t nagtatagisan sa pakikipagpalitan ng mga tanong at alok sa kanilang mga kaibigan ang kanilang mga tinig —“Pwede ba tayong maging kagrupo?”Maingay. Magulo. Masikip. Ngunit, sa likod ng nagkalat na mga kwaderno at mga mata ng mga kaklase ko na para bang naglalakbay mula sa isang tao patungo sa isa pa, sa pag-asam na makahanap ng perpektong kombinasyon para sa proyekto, sa gitnang eksenang ito, si Lexi—ang pinakamatalik kong kaibigan mula noong Grade 4, isa sa mga Math Wizard din ng klase, laging nagbabalangkas ng mga reviewer para sa klase, at ang aging ka-partner ni Noah sa Mathematical Olmypiad —ay pumili ng kanyang magiging kagrupo. Kami ni Noah.Ding-ding-ding.
Noah sent you a message.Matapos ang dalawang oras mula nang huling mensahe sa group chat, muling tumunog ang aking selpon sa ibabaw ng lamesa, ang tunog nito tila isang malambing na paanyaya. Mabilis kong binitawan ang ballpen na kasalukuyang nagtatala ng mga saloobin para sa aming reflection paper sa Christian Living, at hinablot ang phone ko mula sa tabi. Ang aking mga daliri ay sabik na naglalaro sa screen, na tila nagmamadali upang makita ang mensahe mula kay Noah. Ngunit bago ko pa man ma-type ang sagot, naglaan ako ng sandali upang himasin ang aking mga pisngi—na tila napakainit—at napaisip. "Teka, hindi pa ako tapos," naisip ko, "baka ma-distract ako kapag sinagot ko agad."Nagbigay ako ng isang malalim na buntong-hininga, ipinagpaliban ang pagtugon at muling bumalik sa aking reflection paper. Ngunit sa bawat salin ng aking tingin sa screen, inaasam ko ang unti pa naming komunikasyon sa isa’t isa. Hindi ako nakatiis.Noah: Hindi raw makakasama si Lexi mamaya
Noah: Tayo na lang
Noah: G ka ba?Yeps!Kinilig ako sa ideya na kaming dalawa lang ang magvi-video call mamaya. Ang kilig ko ay tila umaabot hanggang langit, mas matindi pa kaysa sa bawat pagkakataon na ipinagpaliban ko ang aking gawain para tignan ang mga playlists niya sa Spotify. Para bang nagkaroon ako ng lihim na misyon na malaman ang bawat kanta na kanyang pinapakinggan, para kapag nagtanong siya kung alam ko ba ang paborito niyang kanta, maaari kong sagutin ito nang may kumpiyansa. Para kunware ay pareho kami ng music taste kahit na ninakaw ko lang naman sa kanya. Para kunware mahilig ako sa mga tipo niyang Billy Joel at The Beatles habang ako naman ay mahilig sa Muni-muni at Taylor Swift. Para kahit papano, magkaroon man ako ng parehong interes sa kanya.Dalawang taon ang lumipas—dalawang taon na tinago ko ang aking nararamdaman, dalawang taon na hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo. Dalawang taon ng mga videocall na kami lang dalawa ang nandiyan, nag-uusap ng mga bagay na walang hangganan, ngunit walang pag-amin na lumalabas mula sa aking mga labi. Hindi ko kinayang bitawan ang mga salitang magbibigay sa kanya ng ideya na gusto ko siya, kahit na tila siya na ang nasa isipan. Taliwas ito sa mga nakasanayan kong gawain—na ako ang laging umaamin, palaging handang ipakita ang aking nararamdaman. Ngunit sa pagkakataong ito, ibang-iba. Si Noah ay isang matalik na kaibigan. Ang bawat sandali ng aming pag-uusap, mula sa mga asaran hanggang sa mga tuksuan, ay nagiging mahalaga sa akin. Nakuntento ako sa mga lihim kong pagbabalik-tanaw sa aming mga chat—ang mga biro, ang mga tawanan, ang mga pagkakataon na tila magkasama kami sa isang mundo na hindi alam ng iba.Ding-ding-ding.
Lexi sent you a message.Lexi: Mica, may aaminin ako
Anuyon teh
Nakakatakot ka naman
Lexi: Wag mo pagkakalat a
Hindi. Pramis.
Lexi: Parang crush ko ata si NoahSina Lexi at Noah, tila parang dalawang piraso ng puzzle na para sa isa’t isa—parehas mahilig sa Math, parehong tahimik, at nagkakasundo pa sa parehong uri ng humor. Aminado akong mas nagkakaroon ng koneksyon sina Lexi at Noah. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang masakit at mabigat na damdamin ang namuo sa puso ko nang mabasa ko ang mensahe ni Lexi. Hindi alam ni Lexi na may nararamdaman ako para kay Noah, at wala akong karapatang magbuo ng galit o lungkot o pagkadismaya dahil sa sitwasyon. Hindi nagtagal, ako ang naging wingwoman nilang dalawa hanggang sa sila’y magkatuluyan. Ang akala ko ngang dati’y magpapalapit sa amin ni Noah, ang pang-aasar, hindi ko rin naman aakalain na gagana para mapalapit silang dalawa.Naalala ko ang sinabi ng kapwa officer ko noon sa Student Council, isang mas nakababata sa akin, na tila isang kurot sa aking puso. “Si Ate Mica? May jowa? Hindi ko ma-imagine. Parang out of reach,” sambit niya noong napunta ang usapan namin sa lovelife. Sabi niya, masyado raw akong tutok sa mga ginagawa ko, sa mga bagay na passionate ako, at mukha raw kaya kong gawin lahat nang mag-isa. Baka ganoon nga rin ang tingin sa akin ni Noah—isang taong walang kailangan kundi ang sarili kong mga pangarap at ambisyon.Dalawang taon ang lumipas. Dalawang taon na rin silang magkasintahan. At apat na taon ko pa ring inililihim ang aking nararamdaman. Ngunit ngayon, wala na akong nananatiling pagdadamdam kay Noah. Ngayong binabalikan ko, hindi ko rin talaga maipaliwanag kung bakit ko siya nagustuhan. Dahil ba mabait siya sa akin? Dahil ba masyado akong naging mapag-isa noong pandemya? O dahil nagustuhan ko lang ang presensya niya?Sa tuwing binabalikan ko ang mga alaala ko sa pandemya, siya pa rin ang umiikot sa aking isipan. Ang mga hapon na magkasama kami sa video call, ang mga tawanan at kwentuhan, ang mga simpleng bagay na nagdudulot ng saya sa akin. Ngunit salamat sa kanya, natuto akong sumugal. Higit pa sa pag-ibig, hinulma nito ako na subukan ang mga bagay hangga't makakaya. Hinamon akong huwag matakot.Isa man siyang puppy love o normal na kwentong pag-ibig ng isang bata, alam kong ang mga alaala namin ay magiging bahagi ng aking isipan hanggang sa pagtanda. Ang mga simpleng sandali namin na puno ng kasiyahan ay nag-iwan ng malalim na marka sa aking puso. Sa kasagsagan ng pandemya, sa kasagsagan ng pag-iisa, natutunan kong yakapin ang pagbabago at harapin ang mga hamon.
"The quiet moments in my room, with the soft hum of my laptop and the gentle tap of keys, became my new stage. "
rhythym
“Ano talent mo, iha?”" It was always the go-to question, whether at pageants with their talent portion or at my first family gathering where everyone had something to flaunt. I remembered how my gaze instinctively turned to my mom, who subtly mouthed the word "DANCE," On days like that, my response remained constant: "Ah, I dance po."I was never one to actually lose myself in rhythm. Creating stories was my sanctuary as a child. I'd fashion storybooks out of colored paper, folded neatly with doodles and drawings adorning the pages. Often, I'd read these tales aloud to my mother, gift them to friends, or read aloud these stories to my stuffed animals with imaginative adventures. It was a cherished hobby, a constant in my young life. However, it wasn't viewed as a talent worth celebrating. The arts the adults always ask me seem to orbit around:“Balita ko magaling kumanta si Ate Pia mo! Kumakanta ka rin, nak?”
“Baka future actress ka naman!”I figured that maybe, I just didn’t have one.My sister's voice—soothing and captivating to the ears of our relatives—nudged me to at least consider the possibility of having an innate gift. Something beyond creating storybooks. With her experience in theater musicals, performing alongside future stars like the kids from Team Yey and future professional actors, set a bar that seemed insurmountable, how could I ever hope to match that? The closest I get to holding a microphone is during karaoke sessions, where my voice was what they called sintonado.It didn’t help that I was enrolled in the same school as my sister—a school that prioritized talents and offered a buffet of Saturday classes or what they called Multiple Intelligence Saturday Pleasures and Activities (M.I. S.P.A) for students to hone their skills. The emphasis on extracurricular activities, where students were ranked based significantly on their multiple intelligences, meant mandatory art classes. These classes required us to not only purchase and master instruments like guitars and keyboards but also learn to read musical notes. Each year presented new challenges, from mastering different instruments each year to participating in intricate musical plays, each particular art class adding to my insecurities.One day, as I struggled with my music skills test approaching, I turned to my sister for help.“Ate, paturo paano mag bar chord.” I asked desperately, clutching an acoustic guitar in my hands. I was never the type to ask for help from her. I was too shy. Our level of musicality was too different. However, the skill test was 10% of our grade, scheduled for the next day, and I hadn't yet mastered all the chords assigned by our teacher. My fingers were developing calluses, struggling to press down the strings firmly enough. Maybe because my hands were the small hands of a 5th grader.
Naturally, I was nudged—more like shoved—to become better in the world of performing arts. Yet, unlike my sister's path of singing and acting, I gravitated towards a different stage altogether: dancing.I was in kinder when my mom first noticed that I try dancing from time to time. While my sister was busy racking up activities in countless theater and musical workshops, I started by obsessively memorizing choreography from K-pop legends like 2NE1, Wonder Girls, and 4Minute, and attempting to mimic the dance routines from ASAP on ABS-CBN. What began as a party trick to impress relatives at gatherings evolved into a full-blown passion.Thankfully, my mom, a former university cheerdancer with an eagle eye for talent, saw potential in my flailing limbs and signed me up for dance classes, specifically ballet. Like how she started.I pirouetted my way through life for a few years, gracing stages of malls and Aliw Theatre, Star City—or at least attempting to—before I hung up my ballet slippers.“Bakit ayaw mo na, anak?” my mom asked with a hint of sadness.
“Nakakatakot po sila e”My passion for dance slowly morphed into a fear of disappointment, and I realized my love for ballet had turned into a reluctant waltz with self-doubt. Watching me withdraw from performances and practice sessions, my mother, sensing my growing reluctance, eventually allowed me to quit ballet classes.Our ballet coach was terror. He was German, with white hair, a big formidable figure, a booming voice, and a giant speaker he lugged around. He hadn't danced since my ballet days, he only pointed and pointed, eyeing every mistakes, relying instead on his trusty assistants. Yet, to this day, he still holds court at the school, molding young dancers with an iron grip.I had a close friend in ballet, a talented ballerina who had been by my side since our first class together. During our hangouts in high school, even though I had already, quit ballet classes, she never held back her frustrations about our coach.“Ang daming comments sa katawan ko. As if naman sa kanya…” she would often complain, her voice tinged with exhaustion. Glancing at the swathes of bandages peeking out from under her short socks, I couldn't help but admire her unwavering dedication—a commitment I knew I lacked.During that hiatus, I poured my energy into academics, hoping to prove myself in a different arena, particularly academics. The break ended abruptly as the announcement for the top 10 students from the 6th-grade batch echoed through the assembly hall. The air was thick with anticipation, each name called sending ripples of applause through the sea of students. I stood there, heart pounding, fingers crossed, waiting for the moment my name would be uttered. But as the final name was announced, my world seemed to tilt.
The silence that followed was deafening. My name had been skipped. I felt a wave of disbelief wash over me, my breath hitching in my throat. I had nurtured high hopes, religiously badgering the school registrar each term to monitor my rankings. The spreadsheets and charts I pored overnight told me I was a solid top 3 in academics. But my glaring lack of extracurriculars had pulled me under, like an anchor dragging a ship to the depths.“You did great pa rin, Mica!” My friends would tell me. They knew I was striving for it, and they saw how I went through it.The graduation passed and I didn’t show up.It sparked a fire within me to do my best in extracurriculars. “Sige salihan ko na lang lahat!” It was my first-ever version of BS Org. I tried to join multiple performances, becoming part of the ensemble, even tapping a bit into photography with my DSLR camera during 7th grade, and balancing my role as a dance varsity member while cultivating friendships with performers. Whether or not my heart resonated deeply with each endeavor, what truly mattered was the sense of productivity and fulfillment that each experience brought.However, amidst all performing events, one constant remained: something I had once doubted as a talent and never flaunted at family gatherings—writing. Year after year, I entrusted my pieces to the school publication, weaving my words that also liked to dance across the page.Often, I’d share my literary pieces with my father, my unwavering motivation and supporter in writing, who once wore the hat of a sports news editor during his college days. And whenever I do get compliments, my confidence goes up, prompting me to eagerly submit my piece to the school newspaper.This dedication to writing, though subtle and often unnoticed by others and even, burned quietly within me. What I once dismissed as a fleeting interest revealed itself as a steadfast passion, a contrast to the multiple dance awards and organizations. While I leaped and spun across stages, my heart found its true rhythm in the silent dance of pen and paper.It all began in the classroom's quiet aftermath, after the bell rang for our lunch break, when my Filipino teacher summoned me to stay longer. Her presence commanded respect, known for her stern lectures that echoed off the walls. Yet beneath her strict exterior, there flickered a subtle warmth—a dry wit that endeared her to our hearts. Clutching thick papers in her hands, she gestured for me to come over, casting a long shadow in the afternoon light that filtered through dusty windows."Hala Mica! Baka i-guguidance ka!" my friends teased, their laughter echoing through the corridor. I stood there, feeling uncertain and anxious. “Wala naman akong ginawang masama ah”, I assure myself. However, their playful comments only added to my discomfort.The anxious feeling ended when she handed me a sign-up sheet for the Filipino writing varsity team, recommending me to the moderator. This humble organization was dedicated to nurturing students' mastery of the Filipino language through creative writing or journalism. At just 14 years old, with my glasses and skinny frame, my exposure to the field had been limited to submitting poems and articles to the school newspaper. Initially hesitant, I eventually decided to take the leap and join.I vividly recall stepping into a chilled room. It was my first day of training. The evening sky casting a warm orange hue as our after-school training commenced. The door creaked open to reveal a gathering of eight students and our Filipino coordinator. Among them, six or five hailed from a different batch than mine, their faces alive with laughter and animated chatter. They spoke passionately about past competition stories for the upcoming Divisions Schools Press Conference, their eyes gleaming with pride and enthusiasm.“Magaling yung sci-tech writer nila e”
“Gumamit naman ng phone habang nagsusulat!”
“Ay sila rin ata nanggaya ng OBB tsaka SFX namin”
“Baduy naman mga headlines nila”
“Ay kamo printer namin noon nasira habang nagpiprint ng radio script”
“Kami rin!”Amidst their banter, overlapping debates filled the air, adding to the lively atmosphere. The group was smaller than I had anticipated, but their camaraderie was palpable. In their midst, I sensed a strong bond forged over a shared love for writing.They welcomed me warmly with a distinct sense of humor that set them apart from the other students on english speaking campus. A humor that I love and carry to this day. What some others may call kanal or jeje humor.Maybe it was because I tied myself into dancing, that I have forgotten how I loved critiquing essays and fact-checking. Maybe it was because of how we unconsciously recommend books to each other. Or maybe it was because they taught me how all along, I was in love with the culture of writing.It was Multiple Intelligences week, a time when I found myself at a crossroads, forced to choose between my commitments to the dance organization and the Filipino varsity team. The schedule indicated that my training in the dance varsity would typically be confined to Mondays to Wednesdays. However, having been selected for their competitions, I now had to dedicate all my after-school hours to intensive training sessions. This new commitment clashed head-on with my training in writing, creating a tug-of-war between two worlds I had come to love. The relentless pull of the dance floor, with its promise of multiple awards and a coveted spot in the top 10, proved too strong to resist. In the end, I chose to leave the Filipino varsity team and dedicate myself to dancing. My decision bore fruit as I achieved the recognition I had dreamed of, finally placing within the top 10.Little did I know, this achievement would also mark the end of my membership in any dance clubs or organizations and the beginning of a fresh chapter. As I finished junior high school, a sense of longing began to stir within me—the stories and poems I had once penned. I went on a path where my passion for writing could flourish.It was a sweltering day, the sun blazing down, sweat cascading from my temples. I shielded my phone screen with my hand, squinting to see how much battery remained—25 percent. My interviews had drained it quickly. A year after leaving dance behind, I found myself amidst the chaos of a bustling street in Quiapo, working for the school publication. Protesters clashed with police, their placards waving defiantly in the air, the shouts and sirens filling the atmosphere.This was a far cry from the mirrored walls of the dance studio, where my reflection was my only company and the silent, intimidating atmosphere of ballet classes. Here, the environment was gritty and raw, the air thick with the scent of sweat and struggle. The wooden floors of my past had been replaced by uneven cement, caked with mud and grime, yet I found joy in this new path. My love for dancing had transformed into a passion for voicing the truth, for writing for the masses. My legs, once trained to glide gracefully and elegantly across polished floors, now carried me through the crowded, dirty streets, each step towards a new mission. From storybooks made with folded paper, I now write in digital platforms not only for my friends, family, and stuffed toys but for the people.Little dud I know It was in the bustling streets and the quiet corners of my mind where I found my true calling. Writing was no longer just a hobby; it was my voice, my rhythm, my way of making sense of the world and connecting with others. It was the talent I had always possessed but never recognized until I danced my way through life and found my true stage.The quiet moments in my room, with the soft hum of my laptop and the gentle tap of keys, became my new stage. Each post, each article, each story was a performance, a dance of words that allowed me to express my deepest thoughts and emotions. It was during this time that I truly realized the power of writing. It wasn’t just about putting words on paper; it was about connecting with people, sharing experiences, and making an impact.Dance taught me discipline, grace, and perseverance, but writing gave me a voice, a purpose, and a way to leave my mark on the world. And in the end, it was the stories I created, the words I wove, and the impact I made that became the true dance of my life.
TUNGKOL SA MAY AKDA
SI CAELA...
Si Micaela “Caela” Isabel M. Forrosuelo ay kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasang De La Salle - Maynila bilang ika-12 na baitang na estudyanteng nakabaon sa mga aralin ng Humanidades sa ilalim ng programang Humanities and Social Sciences. Si Caela ay kilala bilang isang mag-aaral na may nagniningas na pagmamahal sa agham panlipunan, malikhaing pagsusulat, at pamamahayag.Sa murang edad pa lamang ay isinasalang na si Caela sa mga paligsahang may kaugnayan sa literatura katulad na lamang ng balagtasan, deklamasyon, at mga spoken poetry. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy niya ang nag-aalab na pagmamahal sa literaturang Filipino at agham panlipunan bilang Suprema ng DLSU SHS History Club at Patnugot ng Lathalain sa Pana Verde, ang opisyal na pahayagang pang-mag-aaral ng Pamantasang De La Salle sa wikang Filipino. Sa kasalukuyan, plano niyang mag-aral ng BA Political Science sa parehong unibersidad.